Friday, February 22, 2013

joey bichayda kabanat 2



 
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuangbilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyonnito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasamiddle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo samga kabataan, lalo na sa Pilipinas.


Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mgamamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batasna ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ngmga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin angpagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di napagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning saharapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mgasigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas angkauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ngWorld Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mgaproduktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo aynakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ngPeninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sakaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilangpagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ngmababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindinaninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaringmagdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga,bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taongnaninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman aynaghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan aykalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparamingplema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sausok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng siponat trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sapuso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isangtaong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga atmaging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ngemphysema.


MGA KAUNAY NA LITERATURA
Si Ferguson (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan: huwag pagalitan o pagbantaan ang kaibigan. Sa ganitong paraan, makonsensya man ang kaibigang naninigarilyo, gugustuhin niya pa ring humithit ng sigarilyo para hindi na makonsensya pa. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo; huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. Isipin pa rin natin na ang naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. Subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman; huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin; sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya; mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo; purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo.
Si Proctor (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan upang matigil ang paninigarilyo: panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo; pangalagaan ang pangangatawan: sikapin matulog ng walong oras, uminom ng walong baso ng tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at magehersisyo; lantarang ipahayag ang pagkagusto at ang nararamdamang tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free; kapag inalok ka ng sigarilyo, manindigan na tumanggi rito. Maghanap ng mga taong susuporta sa iyo (mga kaibigan at pamilya); tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay; at magtala ng datos kung ilang beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo.



TERMINOLOHIYA
  • Nicotine
Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao. Ito ang pangunahing nakadudulot ng adiksyon sa naninigarilyo. Pinaparalisa nito ang mga muscles of respiration o paghinga kapag ito ay kinonsumo nang higit sa kaya ng ating katawan. Ang taong makalalanghap ng nicotine ay makakaramdam ng pagkairita, pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon.
Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan, konsentrasyon at memorya ng isang tao (helpwithsmoking.com). Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng bahagdan ng dami ng Dopamine, isang neurotransmitter na may kaugnayan sa sensation ng sarap at saya, sa ating katawan. Ito ang dahilan kung kaya nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito. Ang nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila’y nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito.
Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan, may kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo. Ang mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal symptoms tulad ng pagkahilo, pagkagalit, at lubos na kalungkutan sa tuwing sinusubukan nilang ihinto ito.
  • Tar
Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.
  • Carbon Monoxide
Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao; mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. Ito rin ay nagdudulot ng pagsikip ng mga daluyan ng dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso.
ANG SOCIAL component
Upang ilang extend ang ugali ng paninigarilyo ay isang produkto ng pagsasapanlipunan. Pagsasapanlipunan ay kailangan lang ang ugali na ulitin pattern ng pag-uugali ng isa nakikita mga ibang tao sa mga eksibit sa lipunan. Socialisation ay isa mga pangunahing paraan bata at mga kabataan matuto panlipunang mga kasanayan. Ang mga bata at mga tinedyer malaman kasanayan na kinakailangan upang manirahan at magtrabaho sa mga lipunan sa pamamagitan ng isang pagsasapanlipunan proseso. Sa kasamaang palad din masamang gawi at masamang paraan ng iisip ay natutunan ang parehong paraan.
Kung ang isa sa buhay o mga gawa kasama ang iba pang mga indibidwal sa paninigarilyo, ay isa ng higit pa o mas mababa awtomatikong magpatibay ng mga indibidwal na mga gawi sa paninigarilyo. Kung ang isa pagkatapos ay sumusubok sa basagin sa labas ng panlipunang istraktura, ay isang pakiramdam balisa para sa pagiging hindi tinanggap ng anumang higit pa sa pamamagitan ng panlipunang isang grupo ay isang bahagi ng.
Kung ang ibang mga indibidwal na ring gumawa ng gumagalaw na takutin o i-freeze ang isang indibidwal na sinusubukan na preno ito masamang social standard, ang kahirapan ng paglabag sa labas ng ugali ay kahit na mas malaki. Ang pananakot sa mga aksyon ay hindi maaaring kahit na maging tunay malubhang upang takutin ang isang tao mula sa pagpepreno out ng tulad ng isang katayuan sa lipunan ulirang ugali, at hindi maaaring maging kahit na sinadya bilang isang pananakot